6Kung iisipin ko ito, akoʼy nangangatog; at nababalot ng takot ang buo kong katawan.
7Bakit patuloy na nabubuhay ang mga masama? Tumatanda sila at nagiging maunlad.
8Nakikita nila ang paglaki ng kanilang mga anak at apo.
9Namumuhay sila sa kanilang tahanan na ligtas sa panganib at walang kinatatakutan. Hindi sila pinaparusahan ng Diyos.
10Walang tigil ang panganganak ng kanilang mga baka at hindi ito nakukunan.