Job 23

Sinusunod ko ang kanyang mga utos, at iniingatan ko ito sa aking puso. Pinahahalagahan ko ang mga salita niya nang higit pa sa pang-araw-araw kong pagkain.

Job 23:12 (UKJV) Neither have I gone back from the commandment of his lips; I have esteemed the words of his mouth more than my necessary food.

10Ngunit alam niya ang aking ginagawa. Pagkatapos niya akong subukan, makikita niyang malinis ako tulad ng purong ginto.

11Sinunod ko ang kanyang mga hakbang; hindi ko ito sinuway.

12Sinusunod ko ang kanyang mga utos, at iniingatan ko ito sa aking puso. Pinahahalagahan ko ang mga salita niya nang higit pa sa pang-araw-araw kong pagkain.

13“Ngunit malaya ang Diyos na gawin ang nais niyang gawin; walang sinumang makahahadlang sa kanya.

14Kaya gagawin niya ang binabalak niyang gawin sa akin, at marami pa siyang planong gagawin sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.