Job 23

Kaya gagawin niya ang binabalak niyang gawin sa akin, at marami pa siyang planong gagawin sa akin.

Job 23:14 (UKJV) For he performs the thing that is appointed for me: and many such things are with him.

12Sinusunod ko ang kanyang mga utos, at iniingatan ko ito sa aking puso. Pinahahalagahan ko ang mga salita niya nang higit pa sa pang-araw-araw kong pagkain.

13“Ngunit malaya ang Diyos na gawin ang nais niyang gawin; walang sinumang makahahadlang sa kanya.

14Kaya gagawin niya ang binabalak niyang gawin sa akin, at marami pa siyang planong gagawin sa akin.

15Kaya natatakot ako sa kanya. At kapag iniisip ko ito, lalo akong natatakot.

16Pinahihina ng Diyos ang aking puso, tinatakot ako ng Makapangyarihan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.