Job 24

Silaʼy pumipiga ng mga olibo sa loob ng mga pader. Tinatapakan nila ang mga ubas sa pisaan subalit nauuhaw pa rin sila.

Job 24:11 (UKJV) Which make oil within their walls, and tread their winepresses, and suffer thirst.

9Kinukuha ang anak ng biyuda at babaeng dukha bilang garantiya sa pagkakautang nila.

10Lumalakad na walang saplot ang mga dukha; tagapasan sila ng mga inaning trigo, ngunit nagugutom pa rin sila.

11Silaʼy pumipiga ng mga olibo sa loob ng mga pader. Tinatapakan nila ang mga ubas sa pisaan subalit nauuhaw pa rin sila.

12Naririnig sa lungsod ang daing ng mga nag-aagaw-buhay at mga sugatang humihingi ng tulong, ngunit hindi ginagantihan ng Diyos ang mga gumawa nito sa kanila.

13“May mga taong kumakalaban sa liwanag. Hindi sila lumalakad sa liwanag at hindi nila ito nauunawaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.