Job 24

Ang mangangalunyaʼy naghihintay na dumilim upang walang makakita sa kanya. Tinatakpan niya ang kanyang mukha upang walang makakilala sa kanya.

Job 24:15 (UKJV) The eye also of the adulterer waits for the twilight, saying, No eye shall see me: and disguises his face.

13“May mga taong kumakalaban sa liwanag. Hindi sila lumalakad sa liwanag at hindi nila ito nauunawaan.

14Ang mga mamamatay-tao ay bumabangon ng maaga at pinapatay ang mga dukha, at sa gabi namaʼy nagnanakaw.

15Ang mangangalunyaʼy naghihintay na dumilim upang walang makakita sa kanya. Tinatakpan niya ang kanyang mukha upang walang makakilala sa kanya.

16Sa gabi, pinapasok ng mga magnanakaw ang mga bahay. Sa araw, nagtatago sila dahil umiiwas sila sa liwanag.

17Itinuturing nilang liwanag ang dilim, dahil gusto nila ang nakakatakot na kadiliman.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.