1Sumagot si Bildad na taga-Shua,
2“Makapangyarihan ang Diyos at kagalang-galang. Pinaghahari niya ang kapayapaan sa langit.
3Mabibilang ba ang kanyang hukbo? May lugar bang hindi nasisinagan ng kanyang liwanag?
4Paano makakatayo ang isang tao sa harapan ng Diyos at sasabihing siya ay matuwid? Mayroon bang taong ipinanganak na walang kapintasan?