18Doon, ang mga bihag ay nagpapahinga rin at hindi na nila naririnig ang sigaw ng taong pumipilit sa kanila na magtrabaho.
19Naroon ang lahat ng uri ng tao, tanyag man o hindi. At ang mga alipin ay malaya na sa kanilang amo.
20“Bakit pa pinapayagang mabuhay ang taong nagtitiis at nagdurusa?
21Hinahangad nilang mamatay ngunit hindi naman nangyayari. Inaasam nila ang kamatayan nang higit pa sa nakatagong kayamanan.
22Mas sasaya sila kapag namatay na at nailibing.