21Hinahangad nilang mamatay ngunit hindi naman nangyayari. Inaasam nila ang kamatayan nang higit pa sa nakatagong kayamanan.
22Mas sasaya sila kapag namatay na at nailibing.
23Bakit kaya niloob pa ng Diyos na mabuhay ang tao nang hindi man lamang pinapaalam ang kanyang kahahantungan?
24Hindi ako makakain dahil sa labis na pagdaramdam at walang tigil ang aking pagdaing.
25Ang kinatatakutan ko ay dumating sa akin. Ang inaalala ko ay nangyari sa akin.