1“Ngunit ngayon, kinukutya na ako ng mga mas bata sa akin, na ang mga ama ay hindi mapagkakatiwalaan. Mas mapagkakatiwalaan pa nga ang mga aso kong tagapagbantay ng aking kawan kaysa sa kanila.
2Ano baʼng makukuha ko sa mga taong ito na mahihina at talagang wala nang lakas?
3Nangangayayat sila dahil sa labis na kahirapan at gutom. Nginangatngat nila maging ang tuyong lupa, sa kadiliman tigang na ilang.
4Pinipitas nila ang mga halaman sa latian, at kinakain ang ugat ng mga tambo.