22Parang ipinatangay nʼyo ako sa hangin at ipinasalanta sa bagyo.
23Alam kong dadalhin nʼyo ako sa lugar ng mga patay, ang lugar na itinakda para sa lahat ng nilalang.
24“Tiyak na wala akong sinaktang taong naghihirap at humihingi ng tulong dahil sa kahirapan.
25Iniyakan ko pa nga ang mga taong nahihirapan, at ang mga dukha.
26Ngunit nang ako naman ang umasang gawan ng mabuti, masama ang ginawa sa akin. Umasa ako ng liwanag ngunit dilim ang dumating sa akin.