23Hindi ko magagawa ang mga bagay na iyan dahil natatakot ako sa parusa at kapangyarihan ng Diyos.
24“Hindi ako nagtiwala sa aking kayamanan o nag-isip man na magbibigay ito sa akin ng katiyakan.
25Hindi ko ipinagyabang ang kayamanan ko at lahat ng aking ari-arian.
26Hindi ako sumamba sa araw na nagbibigay ng liwanag o sa buwan na kumikinang.
27Ang puso koʼy hindi nahikayat na sumamba sa mga ito.