30Hindi ako nagkasala sa pamamagitan ng pagsumpa sa kanila.
31Alam ng aking mga kasambahay na pinapakain ko ang lahat kahit na ang mga dayuhan.
32Hindi ko pinabayaang matulog kahit saan ang mga dayuhan, dahil palaging bukas ang pintuan ng aking tahanan para sa kanila.
33Hindi ko itinatago ang aking kasalanan katulad ng ginagawa ng ibang tao.
34Hindi ako tumahimik o nagtago dahil takot ako sa anumang sasabihin ng mga tao.