Job 31

Iuulat ko sa kanya ang bawat hakbang ko. Haharap ako sa kanya katulad ng isang pinuno.

Job 31:37 (UKJV) I would declare unto him the number of my steps; as a prince would I go near unto him.

35“Kung mayroon lang sanang makikinig ng panig ko, nakahanda akong lumagda upang patunayan na wala akong kasalanan. Kung may reklamo ang Makapangyarihan laban sa akin, ipapakiusap ko sa kanyang sabihin niya ito sa akin o kayaʼy isulat na lang.

36At ikakabit ko ito sa aking balikat o sa ulo ko na parang korona.

37Iuulat ko sa kanya ang bawat hakbang ko. Haharap ako sa kanya katulad ng isang pinuno.

38“Kung inaabuso ko ang aking lupain, o kinamkam ko ito sa iba,

39o kung pinasama ko ang loob ng mga manggagawa sa aking lupain dahil kinuha ko ang kanilang ani nang walang bayad,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.