5“Kung nagsinungaling man ako at nandaya,
6hahayaan kong hatulan ako ng Diyos, dahil siya ang nakakaalam na wala akong kasalanan.
7Kung hindi ako sumunod sa tamang daan, o kung sinunod ko ang nais ng aking mata, at dinungisan ko ang aking sarili,
8masira nawa ang aking mga pananim o di kayaʼy pakinabangan ng iba.
9“Kung naakit ako ng ibang babae o napaibig sa asawa ng aking kapwa,