4Alam ng Diyos ang lahat ng aking ginagawa.
5“Kung nagsinungaling man ako at nandaya,
6hahayaan kong hatulan ako ng Diyos, dahil siya ang nakakaalam na wala akong kasalanan.
7Kung hindi ako sumunod sa tamang daan, o kung sinunod ko ang nais ng aking mata, at dinungisan ko ang aking sarili,
8masira nawa ang aking mga pananim o di kayaʼy pakinabangan ng iba.