2May isang tao roon na ang pangalan ay Elihu. Anak siya ni Baraquel na isang Buzita. Mula siya sa angkan ni Ram. Nagalit siya kay Job dahil sinisisi nito ang Diyos, sa halip na ang kanyang sarili.
3Nagalit din siya sa tatlong kaibigan ni Job dahil hindi nila napatunayang nagkasala si Job at lumalabas pa na ang Diyos ang may kasalanan.
4At dahil mas matanda sila kaysa kay Elihu, naghintay muna si Elihu na matapos silang magsalita bago siya nagsalita kay Job.
5Ngunit nang wala nang masabi ang tatlo, nagalit siya.
6Kaya sinabi ni Elihu na anak ni Baraquel na taga-Buzita, “Bata pa ako at kayoʼy matatanda na, kaya nag-aatubili akong magsalita. Hindi ako nangahas na magsalita sa inyo tungkol sa nalalaman ko.