Job 32

Nagalit din siya sa tatlong kaibigan ni Job dahil hindi nila napatunayang nagkasala si Job at lumalabas pa na ang Diyos ang may kasalanan.

Job 32:3 (UKJV) Also against his three friends was his wrath kindled, because they had found no answer, and yet had condemned Job.

1Kinalaunan, tumigil na ang tatlong lalakeng ito sa pagsagot kay Job, dahil ipinipilit niya na wala siyang kasalanan.

2May isang tao roon na ang pangalan ay Elihu. Anak siya ni Baraquel na isang Buzita. Mula siya sa angkan ni Ram. Nagalit siya kay Job dahil sinisisi nito ang Diyos, sa halip na ang kanyang sarili.

3Nagalit din siya sa tatlong kaibigan ni Job dahil hindi nila napatunayang nagkasala si Job at lumalabas pa na ang Diyos ang may kasalanan.

4At dahil mas matanda sila kaysa kay Elihu, naghintay muna si Elihu na matapos silang magsalita bago siya nagsalita kay Job.

5Ngunit nang wala nang masabi ang tatlo, nagalit siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.