Job 33

Ngunit kung may anghel sa tabi niya, isang tagapamagitan, isa sa isang libo upang sabihin sa tao kung paano maging matuwid,

Job 33:23 (UKJV) If there be a messenger with him, an interpreter, one among a thousand, to show unto man his uprightness:

21Kaya pumapayat siya, at nagiging butoʼt balat na lamang.

22Malapit na siyang mamatay at mapunta sa lugar ng mga patay.

23Ngunit kung may anghel sa tabi niya, isang tagapamagitan, isa sa isang libo upang sabihin sa tao kung paano maging matuwid,

24kahahabagan siya ng Diyos. At sasabihin niya ‘Iligtas nʼyo siya sa kamatayan. Nakatagpo ako ng pantubos sa kanya.’

25Muli siyang magiging malusog. Lalakas siya tulad noong kanyang kabataan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.