Job 37

Kagila-gilalas ang dumadagundong na tinig ng Diyos. Gumagawa siya ng mga kahanga-hangang bagay, mga bagay na hindi natin kayang unawain.

Job 37:5 (UKJV) God thunders marvellously with his voice; great things does he, which we cannot comprehend.

3Pinapakawalan niya ang kidlat sa buong kalawakan, at pinaaabot ito hanggang sa dulo ng mundo.

4Pagkatapos ay maririnig ang dagundong ng kanyang tinig na parang isang kulog. Hindi niya ito pinipigilan.

5Kagila-gilalas ang dumadagundong na tinig ng Diyos. Gumagawa siya ng mga kahanga-hangang bagay, mga bagay na hindi natin kayang unawain.

6Inuutusan niya ang yelo na pumatak sa lupa, ganoon din ang ulan na bumuhos nang malakas,

7upang ang taoʼy makapagpahinga sa kanilang mga ginagawa at makapagbulay-bulay sa mga ginawa ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.