Job 37

Pinapakawalan niya ang kidlat sa buong kalawakan, at pinaaabot ito hanggang sa dulo ng mundo.

Job 37:3 (UKJV) He directs it under the whole heaven, and his lightning unto the ends of the earth.

1“Dahil ditoʼy kumakabog ang dibdib ko at tumatalon-talon ang puso ko.

2Pakinggan ninyo ang dagundong ng tinig ng Diyos, ang ugong na nagmumula sa kanyang bibig.

3Pinapakawalan niya ang kidlat sa buong kalawakan, at pinaaabot ito hanggang sa dulo ng mundo.

4Pagkatapos ay maririnig ang dagundong ng kanyang tinig na parang isang kulog. Hindi niya ito pinipigilan.

5Kagila-gilalas ang dumadagundong na tinig ng Diyos. Gumagawa siya ng mga kahanga-hangang bagay, mga bagay na hindi natin kayang unawain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.