Job 38

Alam mo kung saan nagmumula ang kidlat? At kung saan nagmumula ang hanging silangan?

Job 38:24 (UKJV) By what way is the light parted, which scatters the east wind upon the earth?

22“Nakapunta ka na ba sa lugar na pinanggagalingan ng nyebe o ulan na yelo?

23Ang mga yelong itoʼy inihahanda ko para sa panahon ng kaguluhan at digmaan.

24Alam mo kung saan nagmumula ang kidlat? At kung saan nagmumula ang hanging silangan?

25Sino nga ba ang gumawa ng dadaanan ng ulan at ng bagyo?

26Sino nga ba ang nagpapadala ng ulan sa disyerto, sa lugar na walang nakatirang tao?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.