Job 39

Sapagkat hindi siya binigyan ng Diyos ng karunungan at hindi rin binahagian ng pang-unawa.

Job 39:17 (UKJV) Because God has deprived her of wisdom, neither has he imparted to her understanding.

15Hindi siya nag-aalalang baka matapakan ito o madaganan ng mga hayop sa gubat.

16Malupit siya sa kanyang mga sisiw, parang hindi kanya kung ituring. Hindi siya nag-aalala na ang pinaghirapan niya ay mawawalan ng kabuluhan.

17Sapagkat hindi siya binigyan ng Diyos ng karunungan at hindi rin binahagian ng pang-unawa.

18Ngunit kapag tumakbo na siya, tinatawanan niya ang kabayo at ang sakay nito.

19“Ikaw ba ang nagbibigay ng lakas sa kabayo? Ikaw din ba ang naglagay ng buhok sa kanyang leeg?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.