Job 4

Kahit na silaʼy tulad ng malakas at mabangis na leon, tatanggalin pa rin ang kanilang mga ngipin.

Job 4:10 (UKJV) The roaring of the lion, and the voice of the fierce lion, and the teeth of the young lions, are broken.

8Ayon sa aking nakitaʼt nalaman, ang mga taong gumagawa ng kasamaan at kaguluhan, gayundin ang kanilang kahahantungan.

9Sa isang bugso lamang ng galit ng Diyos, mapapahamak sila.

10Kahit na silaʼy tulad ng malakas at mabangis na leon, tatanggalin pa rin ang kanilang mga ngipin.

11Mamamatay ang leon dahil wala siyang mahuli at ang mga anak ng babaeng leon ay magkakahiwa-hiwalay.

12“May lihim na dumating sa akin, nahagip ng aking pandinig ang bulong na ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.