Job 6

Ang sapa na iyon ang katulad ninyo. Wala rin kayong naitutulong sa akin. Natakot kayo nang makita ninyo ang nakakaawa kong kalagayan.

Job 6:21 (UKJV) For now all of you are nothing; all of you see my casting down, and are afraid.

19Ang mga mangangalakal na nagmula sa Tema at Sheba na naglalakbay ay umaasang makakainom sa sapa,

20ngunit nabigo sila. Umaasa silang may tubig doon ngunit wala pala.

21Ang sapa na iyon ang katulad ninyo. Wala rin kayong naitutulong sa akin. Natakot kayo nang makita ninyo ang nakakaawa kong kalagayan.

22Ngunit bakit? Humingi ba ako ng regalo sa inyo? Nakiusap ba akong tulungan nʼyo ako mula sa inyong kayamanan,

23o iligtas ako mula sa kamay ng aking mga kaaway, at sagipin ako sa pagkakahawak ng mga mararahas?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.