Job 6

Umaatungal ba ang asnong-gubat kung may damo itong kakainin, o umaangal ba ang baka kapag may makakain?

Job 6:5 (UKJV) Does the wild ass bray when he has grass? or lows the ox over his fodder?

3mas mabigat pa ito kaysa sa buhangin sa tabing-dagat. Iyan ang dahilan kung bakit nagsalita ako ng padalos-dalos.

4Sapagkat ang mga pana ng Diyos na Makapangyarihan ay nakatusok na sa akin; at ang lason nitoʼy kumalat sa buo kong katawan. Ang mga nakakatakot na pana ng Diyos ay nakaamba na sa akin.

5Umaatungal ba ang asnong-gubat kung may damo itong kakainin, o umaangal ba ang baka kapag may makakain?

6Makakain ba ang pagkaing walang lasa kung walang asin? May linamnam ba sa puti lamang ng itlog?

7Ako man ay wala ring ganang kainin iyan, upang akong masusuka.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.