Job 6

mas mabigat pa ito kaysa sa buhangin sa tabing-dagat. Iyan ang dahilan kung bakit nagsalita ako ng padalos-dalos.

Job 6:3 (UKJV) For now it would be heavier than the sand of the sea: therefore my words are swallowed up.

1Sumagot si Job,

2“Kung matitimbang lamang ang dinaranas kong pagtitiis at paghihirap,

3mas mabigat pa ito kaysa sa buhangin sa tabing-dagat. Iyan ang dahilan kung bakit nagsalita ako ng padalos-dalos.

4Sapagkat ang mga pana ng Diyos na Makapangyarihan ay nakatusok na sa akin; at ang lason nitoʼy kumalat sa buo kong katawan. Ang mga nakakatakot na pana ng Diyos ay nakaamba na sa akin.

5Umaatungal ba ang asnong-gubat kung may damo itong kakainin, o umaangal ba ang baka kapag may makakain?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.