12O Diyos, bakit nʼyo po ako binabantayan? Isa ba akong dambuhalang halimaw sa dagat na dapat bantayan?
13Kung gusto ko pong mahiga upang makapagpahinga sa tinitiis kong hirap,
14tinatakot nʼyo naman po ako sa pamamagitan ng mga panaginip at pangitain.
15Kaya mas mabuti pang sakalin na lang ako at mamatay kaysa mabuhay sa katawang ito.
16Kinasusuklaman ko ang aking buhay. Ayoko nang mabuhay. Hayaan nʼyo na lang akong mamatay, dahil wala nang kabuluhan ang aking buhay.