13Kung gusto ko pong mahiga upang makapagpahinga sa tinitiis kong hirap,
14tinatakot nʼyo naman po ako sa pamamagitan ng mga panaginip at pangitain.
15Kaya mas mabuti pang sakalin na lang ako at mamatay kaysa mabuhay sa katawang ito.
16Kinasusuklaman ko ang aking buhay. Ayoko nang mabuhay. Hayaan nʼyo na lang akong mamatay, dahil wala nang kabuluhan ang aking buhay.
17“Ano po ba ang tao upang pahalagahan at pagmalasakitan nʼyo ng ganito?