8Tanging siya lamang ang nakapaglalatag ng langit at nakapagpapatigil ng alon.
9Siya ang manlilikha ng grupo ng mga bituin na tinatawag na Oso, Orion, Pleyades, at mga bituin sa katimugan.
10Gumagawa siya ng kahanga-hangang mga bagay at mga himalang hindi kayang unawain at bilangin.
11Kapag dumadaan siya sa tabi ko, hindi ko siya nakikita o nararamdaman.
12Kung may gusto siyang kunin, walang makakapigil sa kanya. At sino ang makakapagreklamo sa mga ginagawa niya?