Job 9

Kung may gusto siyang kunin, walang makakapigil sa kanya. At sino ang makakapagreklamo sa mga ginagawa niya?

Job 9:12 (UKJV) Behold, he takes away, who can hinder him? who will say unto him, What do you?

10Gumagawa siya ng kahanga-hangang mga bagay at mga himalang hindi kayang unawain at bilangin.

11Kapag dumadaan siya sa tabi ko, hindi ko siya nakikita o nararamdaman.

12Kung may gusto siyang kunin, walang makakapigil sa kanya. At sino ang makakapagreklamo sa mga ginagawa niya?

13Hindi pinipigil ng Diyos ang kanyang galit. Kahit ang mga katulong ni Rahab, na halimaw sa dagat, ay yumuyukod sa takot sa kanya.

14“Kaya papaano ko ipagtatanggol ang sarili ko sa Diyos? Ano ang mga salitang maaari kong gamitin upang makipagtalo sa kanya?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.