12Kung may gusto siyang kunin, walang makakapigil sa kanya. At sino ang makakapagreklamo sa mga ginagawa niya?
13Hindi pinipigil ng Diyos ang kanyang galit. Kahit ang mga katulong ni Rahab, na halimaw sa dagat, ay yumuyukod sa takot sa kanya.
14“Kaya papaano ko ipagtatanggol ang sarili ko sa Diyos? Ano ang mga salitang maaari kong gamitin upang makipagtalo sa kanya?
15Kahit na wala akong kasalanan, hindi ko maipagtatanggol ang sarili ko. Ang magagawa ko lamang ay magmakaawa sa Diyos na aking Hukom.
16Kahit hilingin kong magkausap kami at pumayag siya, hindi pa rin niya ako pakikinggan ni paniniwalaan.