Job 9

Kahit na wala akong kasalanan, hindi ko maipagtatanggol ang sarili ko. Ang magagawa ko lamang ay magmakaawa sa Diyos na aking Hukom.

Job 9:15 (UKJV) Whom, though I were righteous, yet would I not answer, but I would make supplication to my judge.

13Hindi pinipigil ng Diyos ang kanyang galit. Kahit ang mga katulong ni Rahab, na halimaw sa dagat, ay yumuyukod sa takot sa kanya.

14“Kaya papaano ko ipagtatanggol ang sarili ko sa Diyos? Ano ang mga salitang maaari kong gamitin upang makipagtalo sa kanya?

15Kahit na wala akong kasalanan, hindi ko maipagtatanggol ang sarili ko. Ang magagawa ko lamang ay magmakaawa sa Diyos na aking Hukom.

16Kahit hilingin kong magkausap kami at pumayag siya, hindi pa rin niya ako pakikinggan ni paniniwalaan.

17Sapagkat pinapahirapan niya ako na parang sinasalanta ng bagyo, at dinadagdagan pa niya ang paghihirap ko nang walang dahilan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.