15Kahit na wala akong kasalanan, hindi ko maipagtatanggol ang sarili ko. Ang magagawa ko lamang ay magmakaawa sa Diyos na aking Hukom.
16Kahit hilingin kong magkausap kami at pumayag siya, hindi pa rin niya ako pakikinggan ni paniniwalaan.
17Sapagkat pinapahirapan niya ako na parang sinasalanta ng bagyo, at dinadagdagan pa niya ang paghihirap ko nang walang dahilan.
18Halos malagot na ang aking hininga dahil sa paghihirap na kanyang idinulot sa akin.
19Kung lakas ang pag-uusapan walang tatalo sa kanya! At kung sa hukuman idadaan, sinong makapaghahabla sa kanya?