Job 9

Kung lakas ang pag-uusapan walang tatalo sa kanya! At kung sa hukuman idadaan, sinong makapaghahabla sa kanya?

Job 9:19 (UKJV) If I speak of strength, lo, he is strong: and if of judgment, who shall set me a time to plead?

17Sapagkat pinapahirapan niya ako na parang sinasalanta ng bagyo, at dinadagdagan pa niya ang paghihirap ko nang walang dahilan.

18Halos malagot na ang aking hininga dahil sa paghihirap na kanyang idinulot sa akin.

19Kung lakas ang pag-uusapan walang tatalo sa kanya! At kung sa hukuman idadaan, sinong makapaghahabla sa kanya?

20Kahit na akoʼy walang kasalanan, hahatulan ako ng mga salitang aking tinuran. Kahit wala akong ginawang mali, isasakdal pa rin ako nito.

21“Kahit na wala akong kapintasan, wala na itong halaga sa akin ngayon. Kinamumuhian ko na ang aking buhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.