19Kung lakas ang pag-uusapan walang tatalo sa kanya! At kung sa hukuman idadaan, sinong makapaghahabla sa kanya?
20Kahit na akoʼy walang kasalanan, hahatulan ako ng mga salitang aking tinuran. Kahit wala akong ginawang mali, isasakdal pa rin ako nito.
21“Kahit na wala akong kapintasan, wala na itong halaga sa akin ngayon. Kinamumuhian ko na ang aking buhay.
22Pareho lang naman ang kapalaran ng matuwid at masama. Lahat sila ay mamamatay.
23Kapag biglang namatay sa kalamidad ang matuwid, natatawa lang siya.