29Yaman din lamang na itinuring na niya akong may kasalanan, wala nang halaga na ipagtanggol ko pa ang aking sarili.
30Kahit hugasan ko pa ng sabon ang aking buong katawan, at lagyan ng pulbos na panlinis ang aking mga kamay
31ilulubog pa rin niya ako sa maputik na hukay, upang kahit ang sarili kong damit ay ikahiya ako.
32“Hindi tao ang Diyos na katulad ko; hindi ko siya kayang sagutin o isakdal man sa hukuman.
33Mayroon sanang mamagitan sa amin upang pagkasunduin kaming dalawa,