Job 1

Mayroon siyang 7,000 tupa, 3,000 kamelyo, 500 pares ng baka at 500 asnong babae. Marami din siyang alipin. Siya ang pinakamayaman sa buong silangan ng Israel.

Job 1:3 (UKJV) His substance also was seven thousand sheep, and three thousand camels, and five hundred yoke of oxen, and five hundred she asses, and a very great household; so that this man was the greatest of all the men of the east.

1May isang lalaking nakatira sa lupain ng Uz na ang pangalan ay Job. Walang kapintasan ang kanyang pamumuhay at siya ay matuwid; may takot siya sa Diyos at umiiwas sa kasamaan.

2Mayroon siyang pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.

3Mayroon siyang 7,000 tupa, 3,000 kamelyo, 500 pares ng baka at 500 asnong babae. Marami din siyang alipin. Siya ang pinakamayaman sa buong silangan ng Israel.

4Nakaugalian na ng mga anak niyang lalaki na halinhinang maghanda sa kani-kanilang mga bahay at inaanyayahan nilang dumalo ang tatlo nilang kapatid na babae.

5Tuwing matatapos ang handaan, naghahandog si Job para sa kanyang mga anak. Maaga siyang gumigising at nag-aalay ng handog na sinusunog para sa bawat anak niya, dahil naisip niyang baka nagkasala ang mga ito at sinumpa ang Diyos sa kanilang mga puso. Ito ang palaging ginagawa ni Job.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.