1“Kinasusuklaman ko ang buhay ko, kaya dadaing ako hanggaʼt gusto ko. Sasabihin ko ang aking sama ng loob.
2Ito ang sasabihin ko sa Diyos: Huwag nʼyo akong hatulan na masama ako. Sabihin nʼyo sa akin kung ano ang aking kasalanan sa inyo.
3Natutuwa ba kayong pinahihirapan nʼyo ako? Bakit nʼyo itinatakwil ang inyong nilikha, at sinasang-ayunan naman ang binabalak ng masama?