Job 10

Ito ang sasabihin ko sa Diyos: Huwag nʼyo akong hatulan na masama ako. Sabihin nʼyo sa akin kung ano ang aking kasalanan sa inyo.

Job 10:2 (UKJV) I will say unto God, Do not condemn me; show me wherefore you contend with me.

1“Kinasusuklaman ko ang buhay ko, kaya dadaing ako hanggaʼt gusto ko. Sasabihin ko ang aking sama ng loob.

2Ito ang sasabihin ko sa Diyos: Huwag nʼyo akong hatulan na masama ako. Sabihin nʼyo sa akin kung ano ang aking kasalanan sa inyo.

3Natutuwa ba kayong pinahihirapan nʼyo ako? Bakit nʼyo itinatakwil ang inyong nilikha, at sinasang-ayunan naman ang binabalak ng masama?

4Ang paningin ba ninyoʼy tulad ng paningin ng tao? Nakikita ba ninyo ang mga bagay kung paano ito nakikita ng tao?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.