16Pinagsisikapan kong bumangon, ngunit para kayong leon na nakaabang sa akin. Ginagamit nʼyo ang inyong kapangyarihan laban sa akin.
17Patuloy nʼyo akong isinasakdal at lalo kayong nagagalit sa akin. Walang tigil nʼyo akong nilulusob.
18“Bakit niloob nʼyo pa na isilang ako? Sanaʼy namatay na lang ako at wala nang nakakita sa akin.
19Hindi na lang sana ako nilikha. Namatay na lang sana ako bago isinilang at itinuloy sa libingan.
20Maikling panahon na lang ang natitira sa akin, kaya hayaan nʼyo na lang ako upang kahit saglit man lang ay sumaya naman ako,