Job 11

At ang buhay moʼy magiging mas maliwanag pa kaysa sa sikat ng araw sa katanghaliang tapat. At ang dati mong buhay na madilim ay magiging maliwanag katulad ng umaga.

Job 11:17 (UKJV) And yours age shall be clearer than the noonday: you shall shine forth, you shall be as the morning.

15tiyak na hindi ka na mapapahiya, tatatag ang iyong pamumuhay at wala ka nang katatakutan.

16Makakalimutan mo na rin ang iyong paghihirap na parang tubig na umagos lang at nawala.

17At ang buhay moʼy magiging mas maliwanag pa kaysa sa sikat ng araw sa katanghaliang tapat. At ang dati mong buhay na madilim ay magiging maliwanag katulad ng umaga.

18Mapapanatag ang buhay mo dahil may bago kang pag-asa. Iingatan ka ng Diyos at makapagpapahinga ka nang walang kinatatakutan.

19Matutulog ka nang walang takot, at marami ang hihingi ng tulong sa iyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.