Job 11

Mapapanatag ang buhay mo dahil may bago kang pag-asa. Iingatan ka ng Diyos at makapagpapahinga ka nang walang kinatatakutan.

Job 11:18 (UKJV) And you shall be secure, because there is hope; yea, you shall dig about you, and you shall take your rest in safety.

16Makakalimutan mo na rin ang iyong paghihirap na parang tubig na umagos lang at nawala.

17At ang buhay moʼy magiging mas maliwanag pa kaysa sa sikat ng araw sa katanghaliang tapat. At ang dati mong buhay na madilim ay magiging maliwanag katulad ng umaga.

18Mapapanatag ang buhay mo dahil may bago kang pag-asa. Iingatan ka ng Diyos at makapagpapahinga ka nang walang kinatatakutan.

19Matutulog ka nang walang takot, at marami ang hihingi ng tulong sa iyo.

20Ngunit ang masasama ay mabibigo at walang patutunguhan. At ang tanging pag-asa nila ay kamatayan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.