Job 13

Inililista nʼyo ang mapapait na paratang laban sa akin at isinasama nʼyo pa ang lahat ng kasalanan ko noong bata pa ako.

Job 13:26 (UKJV) For you write bitter things against me, and make me to possess the iniquities of my youth.

24Bakit nʼyo ako tinatalikuran at itinuturing na kaaway?

25Bakit nʼyo ako tinatakot at hinahabol? Para lang akong dahon o tuyong ipa na tinatangay ng hangin.

26Inililista nʼyo ang mapapait na paratang laban sa akin at isinasama nʼyo pa ang lahat ng kasalanan ko noong bata pa ako.

27Para nʼyong ikinadena ang aking mga paa. Bawat hakbang koʼy inyong binabantayan, at pati bakas ng paa koʼy inyong sinusundan.

28“Kaya para na akong isang bagay na nabubulok o isang damit na sinisira ng gamo-gamo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.