23Anu-ano po ba ang mga nagawa kong pagkakamali at kasalanan? Sabihin nʼyo po sa akin ang aking pagkakamali at mga kasalanan.
24Bakit nʼyo ako tinatalikuran at itinuturing na kaaway?
25Bakit nʼyo ako tinatakot at hinahabol? Para lang akong dahon o tuyong ipa na tinatangay ng hangin.
26Inililista nʼyo ang mapapait na paratang laban sa akin at isinasama nʼyo pa ang lahat ng kasalanan ko noong bata pa ako.
27Para nʼyong ikinadena ang aking mga paa. Bawat hakbang koʼy inyong binabantayan, at pati bakas ng paa koʼy inyong sinusundan.