15At sa oras na tawagin nʼyo ako, Panginoon, sasagot ako, at kasasabikan nʼyo ako na inyong nilikha.
16Sa mga araw na iyon, babantayan nʼyo pa rin ang aking mga ginagawa, ngunit hindi nʼyo na aalalahanin pa ang aking mga kasalanan.
17Ang aking mga kasalanaʼy ipinasok sa sisidlan ang masasama kong gawaʼy inyong tinakpan.
18“Ngunit kung papaanong gumuguho ang mga bundok at nahuhulog ang mga bato mula sa kanilang kinalalagyan,
19at kung paanong nagiging manipis ang bato sa patuloy na pag-agos ng tubig, at gumuguho ang lupa dahil sa malakas na ulan, ganyan nʼyo rin sinisira ang pag-asa ng tao.