Job 14

“Ngunit kung papaanong gumuguho ang mga bundok at nahuhulog ang mga bato mula sa kanilang kinalalagyan,

Job 14:18 (UKJV) And surely the mountains falling comes to nothing, and the rock is removed out of his place.

16Sa mga araw na iyon, babantayan nʼyo pa rin ang aking mga ginagawa, ngunit hindi nʼyo na aalalahanin pa ang aking mga kasalanan.

17Ang aking mga kasalanaʼy ipinasok sa sisidlan ang masasama kong gawaʼy inyong tinakpan.

18“Ngunit kung papaanong gumuguho ang mga bundok at nahuhulog ang mga bato mula sa kanilang kinalalagyan,

19at kung paanong nagiging manipis ang bato sa patuloy na pag-agos ng tubig, at gumuguho ang lupa dahil sa malakas na ulan, ganyan nʼyo rin sinisira ang pag-asa ng tao.

20Nilulupig nʼyo siyang lagi at namamatay siya, at binabago nʼyo ang mukha niya kapag patay na siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.