18“Ngunit kung papaanong gumuguho ang mga bundok at nahuhulog ang mga bato mula sa kanilang kinalalagyan,
19at kung paanong nagiging manipis ang bato sa patuloy na pag-agos ng tubig, at gumuguho ang lupa dahil sa malakas na ulan, ganyan nʼyo rin sinisira ang pag-asa ng tao.
20Nilulupig nʼyo siyang lagi at namamatay siya, at binabago nʼyo ang mukha niya kapag patay na siya.
21Hindi na niya malalaman kung ang mga anak niyaʼy nagtamo ng karangalan o kahihiyan.
22Ang tanging madarama na lamang niya ay ang sarili niyang paghihirap at kalungkutan.”