Job 15

At magiging tulad siya ng ubas na nalalagas ang mga hilaw na bunga o katulad ng olibong nalalagas ang mga bulaklak.

Job 15:33 (UKJV) He shall shake off his unripe grape as the vine, and shall cast off his flower as the olive.

31Huwag sana niyang dayain ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtitiwala sa mga bagay na walang kabuluhan, dahil wala siyang makukuha sa mga iyon.

32Maagang darating sa kanya ang kanyang parusa at hindi na siya uunlad pa.

33At magiging tulad siya ng ubas na nalalagas ang mga hilaw na bunga o katulad ng olibong nalalagas ang mga bulaklak.

34Sapagkat mamamatay nang walang lahi ang mga taong walang takot sa Diyos. At ang mga bahay na itinayo nila mula sa mga suhol ay masusunog.

35Ang lagi nilang iniisip ay ang manggulo, gumawa ng masama, at mandaya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.