30Hindi siya makakatakas sa kapahamakan. Magiging tulad siya ng puno na ang mga sangaʼy masusunog. Lahat ng ari-arian niya ay mawawala sa isang ihip lamang ng Diyos.
31Huwag sana niyang dayain ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtitiwala sa mga bagay na walang kabuluhan, dahil wala siyang makukuha sa mga iyon.
32Maagang darating sa kanya ang kanyang parusa at hindi na siya uunlad pa.
33At magiging tulad siya ng ubas na nalalagas ang mga hilaw na bunga o katulad ng olibong nalalagas ang mga bulaklak.
34Sapagkat mamamatay nang walang lahi ang mga taong walang takot sa Diyos. At ang mga bahay na itinayo nila mula sa mga suhol ay masusunog.