2“Job, ang taong marunong ay hindi nagsasalita ng walang kabuluhan.
3Hindi siya nakikipagtalo sa mga salitang walang saysay.
4Ngunit ang mga sinasabi moʼy magtutulak sa tao upang mawalan ng paggalang sa Diyos at magiging hadlang sa paglilingkod sa kanya.
5Ang sinasabi mo ay bunga ng iyong kasamaan. At dinadaya mo ang iba sa pamamagitan ng iyong mga sinasabi.
6Hindi na kailangang hatulan pa kita, dahil ang iyong mga sinasabi mismo ang nagpapatunay laban sa iyo.